Ano-ano kaya ang ire-report ni boss PNoy?

ISANG taon nang Boss si PNoy bukas.

Ano-ano kaya ang mga iuulat niya sa bayan na akomplismen o nagawa niya?

Wala pa kasi tayong nakikitang mahalagang akomplismen nito.

Kung meron man, yung malaking kabawasan sa paggamit ng wang-wang at kawnterplo.

At yung pag-aalis niya sa puwesto ng hindi niya Kaklase, Kakampi, Kabarilan at Kaibigan at pagpapalit sa mga ito ng mga KKKK.

oOo

Simulan nating mag-rosaryo ukol sa inaantay natin na doon sana magkaroon ng pagbabago.

Petrolyo: wala itong na-gagawa para pairalin ang Oil Deregulation Law na naglalayong pababain ang presyo rito. Tulad ng dati, tila ispoksman ng mga kompanya ng langis ang mismong Department of Energy.

Kuryente: wala itong nagawa para pigilin ang pagtataas ng presyo rito at nalag-pasan na natin ang Japan na may pinakamahal na kuryente sa buong Asya. Naging inutil sa pagpapairal ng Electric Power Industry Reform Act na naglalayong pababain ang presyo ng kuryente.

Kontraktuwalisasyon: wala itong ginagawa laban sa sumpang ito sa milyon-milyong obrero na ikinabibilyonaryo ng mga malalaking negosyante sa repablik ni Juan.

Pantawid Pasada: maituturing lang na konsuwelo de bobo sa liit ng halaga nito at kawalan hanggang ngayon ng pondo rito sa maraming lugar sa bansa.

Migrante: patuloy na lumalayas ang mga obrero at sa ibang bansa sila uma-asa ng may kinabukasang buhay at para makatakas na rin sa kontraktuwalisas-yon at sahod alipin.

oOo

Sa totoo lang, talagang wala pa tayong nakikitang pagbabago na mahalaga.

Kung meron man, para sa kanila lang ng kanyang mga KKKK na haytek lang ang utak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply