Apat na patay sa bagyong ‘Dodong’

APAT katao na ang iniulat na patay, habang lima ang nawawala kabilang ang isang 10-anyos na bata sa patuloy na  pananalasa ng ng bagyong Dodong sa Luzon.

Sa  ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang apat na nawawala ay mula sa Mindanao, habang ang isa ay Grade 5 pupil na si Ken mateo ay nawawala na mula pa kahapon ng hapon sa Batangas City.

Nakataas na ang storm signal number 1 para sa pitong lalawigan sa southern at Central Luzon kasama ang Metro Manila.

Ito’y matapos tuluyang naging tropical depression ang low pressure area (LPA) na nagdudulot ng mga pag-ulan sa mga apektadong lugar.

Huling namataan ang bagyong Dodong sa layong 60 kilometro ng timog-kanluran ng Iba, Zambales at taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna.

Tinatahak ni “Dodong” ang direksyon patungong hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Kasama sa mga lugar na nasa signal No. 1 ay ang Bataan, Pampanga, Tarlac, Zambalez, Pangasinan, Cavite at Metro Manila.

Samantala, umakyat naman sa P304,232,250 ang pinsala ng mga pagbaha sa buong bansa partikular na sa rehiyon ng Mindanao lalo sa agrikultura at imprastraktura.

Batay sa pagtaya ng NDRRMC, nasa pitong bayan sa lalawigan ng Maguindanao ang lubos na naapektuhan ng mga pagbaha katulad sa Datu Montawal, Datu Abdullah Sangki, Sultan Sabarongis, Sultan Mastura, Datu Odin Sinsuat at lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa NDRRMC, kabuuang 4,563 ektarya ng pananim ang sinira ng nasabing kalamidad habang nasa 4,000 magsasaka naman ang naapektuhan.

Kaugnay nito, patuloy ang pag-monitor ng tanggapan sa patuloy na pagbaha sa National Capital Region (NCR) na nagsimula pa kahapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply