Aplikasyon ni Justice Morales hinarang ni GMA

TINUTULAN ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) ni Supreme Court (SC) Associate Justice (SC) Conchita Carpio-Morales para sa mga mapagpipilian bilang susunod na Ombudsman.

Lumiham si Rep. Arroyo sa JBC kung saan binigyan diin nito na duda siyang magiging patas si Carpio-Morales sa kaniyang pamilya at dating mga opisyal ng nagdaang administrasyon sakaling siya ang susunod na Ombudsman.

Giit pa ni GMA na tiyak na siya ang magiging pangunahing target ng reklamo sa Office of the Ombudman, ikonsidera pa dito na nangako ang Pangulong Aquino na papanagutin niya ang mga dating opisyal ng administrasyon.

Tinukoy ni Arroyo ang pagtatatag ni Pangulong Aquino ng Truth Commission sa bisa ng Executive Order No. 1 at ang naging hakbang nito na patalsikin sa puwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Paliwanag pa ni Arroyo na bagama’t miyembro si Carpio-Morales ng Korte Suprema ay patuloy nitong isinusulong ang imbestigasyon sa mga kasong katiwalian ng Arroyo administration.

“I trust that the Judicial and Bar Council will have no difficulty identifying applicants who possess the required probity and independence to act on cases brought before the Ombudsman, including against myself, my immediate family and others who served in my administration,” bahagi ng liham ni Arroyo na may petsang June 6, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply