Appointees ni PNoy kukwestyunin ng Minorya

KUKWESTYUNIN bukas, Hunyo 13, ng Minorya sa pamamagitan ng ihahaing resolusyon ang ginagawang paghirang ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa KKK o “kabarkada,” kaklase” at “kabarilan” sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Inihayag nina House Minority leader Edcel Lagman at Asst.  Minority Leader Mitos Magsaysay na nakasaad sa naturang resolusyon ang panawagan para imbestigahan ang nasabing appointments.

Paglilinaw pa ng dalawang leader ng minorya na hindi dapat matakot ang Malakanyang at dapat nitong payagan ang appointees ni Aquino na dumalo at humarap sa mga alegasyon na ibinabato sa kanila.

Kinontra rin ni Lagman ang hamon ni House Majority Leader Neptali Gonzales na idiretso sa korte o sa Ombudsman kung may reklamo o nasasangkot ang mga opisyal ni Pangulong Aquino at huwag gamitin ang Kongreso para sa media mileage.

Nais ng minorya na humarap sa imbestitgasyon sina Interior Undersecretary Rico Puno (on leave),  Land Transportation Office chief Virginia Torres, Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., Finance Secretary Cesar Purisima at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Margarita Juico.

Sinagot din ni Lagman ang pasarisng ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa pagsasabing: “What is juvenile about demanding that errant officials be disciplined and dismissed? Ang mga may katiwalian ay kailangan sibakin. Itong si Lacierda ang isip-bata sapagkat pinagtatanggol niya ang Pangulo kaparis ng isang bata na pinoproteksyunan ang hawak-hawak na candy or lollipop.”

Giit pa ni Lagman na kahit adjourn na ang Kongreso ay patuloy na magtatrabaho ang minorya at patuloy na magbabantay laban sa mga tiwali at hindi karapat-dapat na opisyal ni Pangulong Aquino.

“Unlike other officials, we do not rest during the day and play at night.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply