Appointment ni Brillantes nabalaho

NANGANGANIB na masipa sa puwesto si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes matapos mabalahaw sa Commission on Appointments (CA) kanyang kumpirmasyon bunga ng tambak na reklamo laban sa kanya ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Sa huling araw ng sesyon ng CA kahapon, nakalusot si Finance Secretary Cesar Purisima at Civil Service Commission (CSC) Commissioner Rasol Mitmug subalit minalas naman si Brillantes na ma-bypass.

Dahil sa pagka-bypass sa CA, kinakailangang italaga muli ito ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa naturang puwesto at kung hindi ay hindi na makakabalik sa kanyang trabaho sa Comelec.

Ipinasya ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada, chairman ng committee on constitutional commissions and offices ng CA, na ipagpaliban ang hearing ng confirmation ni Brillantes dahil sa kakapusan ng panahon.

“The committee on constitutional commissions and offices hereby suspends the hearing on the appointment of Chairman Brillantes until August 9, 2011,”wika ni Estrada.

“Bypass na siya at kailangang ire-appoint siya ni President Aquino,” paglilinaw naman ni Estrada matapos ang hearing.

Ikinalungkot naman ni Brillantes ang pagkaka-bypass sa kanya subalit kinilala naman nito ang karapatan ni Cayetano na uriratin siya tungkol sa mga operator ng eleksyon at iba pang gumagawa ng kalokohan sa Comelec.

Nagbabala naman si Cayetano na kung maire-reappoint si Brilantes ay marami pa siyang ilalabas na kontrobersya laban sa Comelec Chairman sa Agosto.

Sa hearing ng komite ay ginisa ng husto ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Brillantes tungkol sa naging papel nito noong 2010 elections at kung may ginawa na itong reporma sa Comelec matapos ang pag-amin na masama ang imahe ng poll body bunga ng Hello Garci scandal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply