Arci Muñoz napagkamalang si Miley Cyrus!

GOOD and bad experience na hindi makakalimutan ni Arci Muñoz ang katatapos na concert ni Miley Cyrus sa Mall of Asia (MOA) kamakailan.

Hindi kasi akalain ni Arci na pagkakamalan siyang si Miley ng mga fans. Pagkatapos kasi ng concert ay may nag-interview sa actress at may biglang sumigaw na siya si Miley Cyrus.

Nagkagulo na ang mga fans para siya sugurin. Buti na lang naging maagap ang guard para bigyan siya ng proteksyon. Kung nagkataon ay baka isugod sa ospital si Arci dahil ayaw paawat ang mga fans na hindi siya malapitan.

Nang makita na hindi siya si Miley saka lang nag-alisan pero ang iba ay talagang ayaw pa rin paawat at gusto siyang malapitan kaya ineskortan na siya ng mga bodyguard papasok sa isang fastfood restaurant.

Ang kaso, may mga tao pa ring sumunod kay Arci na ayaw maniwalang hindi siya si Miley Cyrus.

Ito ang naitsika ni Arci sa amin nang pasyalan namin siya sa taping ng bagong variety show ng TV5, ang “Hey! It`s Saberday!” na nagsimula last Saturday.

Samantala, tinawanan lang ni Arci ang lumabas na balitang lihim siyang pinopormahan ni Luis.

Ayon kay Arci, matagal na silang magkaibigan ni Luis noong nasa GMA 7 pa siya at nagkasama na sila sa isang drama series na “Ngayon at Kailanman.”

“Nagulat ako sa tsismis na nanliligaw daw si Luis sa akin. Hindi naman totoo yun. Matagal na kaming magkaibigan. Nagulat din siya noong marami na ang nagtatanong sa kanya kung nililigawan ba niya ako? Natural mag-deny siya, because we`re just good friends,” pahayag ni Arci.

————–

Si Laguna Governor E.R. Ejercito ang tinanghal na Darling of the Press kagabi sa PMPC 27th Star Awards for Movies. Dumating si Gov. E.R. kasama ang mayor/wife na si Maita Ejercito sa awards night.

Acceptable naman ang pagdating niya ng late sa awards night dahil galing pa ito sa Laguna at tamang tama naman ang pagdating niya dahil malapit nang tawagin ang tatanghaling Darling of the Press.

Pagkatapos tanggapin ang trophy ay hiningi namin ang reaction niya sa hindi pagkakasama ng kanyang Asiong Salonga sa Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Gov. E.R., maluwag niyang tinanggap ang naging desisyon ng pamunuan ng MMFF 2011. Hindi siya gumamit ng lakas o kapit kahit ang uncle niyang si Jesse Ejercito ang nangangasiwa ng MMFF simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.

Patunay lang ito na ang kanilang pamilya ay sumusunod sa patakaran at batas ng MMFF at magandang halimbawa ito sa ibang gumagamit ng kapangyarihan para sa personal na interest.

Katuwiran ni Gov. E.R., puwede namang ilabas ito pagkatapos ng MMFF or bago ganapin ang Metro Manila Film Festival sa December. Kaya tuloy ang shooting ng Asyong Salonga kung saan si Carla Abellana ang leading lady niya sa direction ni Tikoy Aguiluz.

Kahit abala si Gov. E.R. sa shooting ng remake ng Asyong Salonga ay hindi nito napapabayaan ang trabaho bilang Governador ng Laguna. Priority niya ang paglilinis ng Laguna de Bay na matagal nang problema ng province.

 

Gustong ipaabot ni Philip Salvador na hindi sa kanya ang Twitter at Facebook account sa internet na pati larawan niya ay gamit doon..

Pinagdiinan ni Ipe na fake yun at hindi siya yun dahil wala na siyang oras na mag-Facebook at Twitter.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply