Aresto sa magtatapon ng basura sa lansangan seryosohin

KINALAMPAG na naman ng mga mambabatas ang local government units (LGUs) para ipatupad ang batas laban sa mga nagkakalat sa lansangan upang maibsan ang problema sa pagbaha kapag panahon ng tag-ulan.

Ginawa nina Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadeth Herrera-Dy, Eastern Samar Rep. Ben Evardone, Kabataan partylist Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino, Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga at Navotas Rep. Toby Tiangco ang nasabing mungkahi dahil ang mga basura na naman ang nagpapalala sa problema ng mamamayan kapag umuulan.

Ayon sa nabanggit na mga mambabatas, kailangang maging seryoso na ang gobyerno lalo na ang mga LGUs at ipatupad ang mga simpleng probisyon sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Program.

Aminado ang mga solon na simula noong maging batas ang RA 9003 ay hindi naresolbahan ang problema sa basura dahil kahit ang mga simpleng probisyon dito ay hindi naipapatupad tulad ng nagbabawal sa mga nagkakalat sa lansangan.

Iginiit ng mga ito na malinaw na nakasaad sa Section 48, Paragraph 1, na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga kalsada, bangketa, kanal, estero, pasyalan at iba pang lugar subalit hindi umano ito naipapatupad.

May kaakibat na parusang P300 hanggang P1,000 multa o kaya’y 15 araw na community service o pareho, sa mga lalabag sa probisyon subalit marami pa rin umanong nagkakalat na mamamayan.

Isinisi ng mga mambabatas sa mga law enforcers tulad ng LGUs dahil hinahayaan umano ng mga ito ang mga taong lumalabag sa batas kaya habang tumatagal ay napupuno ng mga basura ang mga kanal, estero at maging ang mga kalsada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply