Arizona Reid bagong pambato ni Yeng Guiao

ISANG magandang buena-manong panalo ang itinala ng Rain Or Shine Elasto Painter ni coach Yeng Guiao sa pagbubukas ng PBA Governor’s Cup sa Phoenix Petroleum Road Game sa Tacloban Convetion Center sa Ttacloban City nang patikimin ng B-Meg Derby Ace Llamados sa iskor na 95-82 pagkatalo.

Maagang nagposikat ang pinakahuling import ng Elasto Painters na si Arizona Reid sa pagtumpok ng kagulat-gulat na 36 puntos, 17 rebounds na sinungkit sa kanyang double-double sa unang 24 minuto lamang habang nagdagdag ng suporta sina Gabe Norwood, Jeff Chan, Larry Rodriguez at Beau Belga na nagtuwang sa 38 puntos.

Tila dismayado pa ang coaching staff ng Llamados sa kanilang import na si Stephon Hannah na sumablay sa kanyang unang 16 pagtatangka sa goal. Nakatapos si Hannah ng walong puntos habang si James Yap ang itinghal na top scorer ng Derby Ace sa kanyang 17 puntos na dinagdagan ng tig-14 puntos nina Peter Jun Simon at Joe Devance.

Umabante ang Rain Or Shine sa iskor na 91-75 sa 3rd quarter sa 11-4 arangkada ng tropa ni coach Guiao kabilang dito ang isang 3-pointer ni RJ Razul.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply