ARMM namahagi ng tulong sa mga binaha

PATULOY na namamahagi ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)  ng relief assistance sa mga biktima ng baha sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao.

Sinabi ni ARMM Executive Secretary Naguib Sinarimbo na unang binigyan ng tulong ang Mother Kabuntalan, na pinakanaapektuhang bayan sa Maguindanao base sa ginawang Disaster Analysis Needs Assessment (DANA).

Ayon kay Sinarimbo, pagkatapos ng clearing operation sa Rio Grande de Mindanao/Delta Bridge na pinangunahan ng ARMM at ng 6th Infantry Division ng militar noong Hunyo 16 hanggang sa maideklara noong Linggo na nabuwag na ang kumpol-kumpol na water hyacinths ay nagsagawa na ng relief operation ang ARMM, 6ID at mga katuwang mula sa mga “humanitarian agencies” sa rehiyon.

Ani Sinarimbo, makakatanggap ang mahigit 5,000 evacuees ng tulong sa gagawing relief at medical operation kung saan mamimigay ng mga school supplies at malinis na inuming tubig ang grupo kasama ang liderato ng 6ID sa pamumuno ni BGen. Rey Ardo, mga ahensya mula sa ARMM- DSWD, DOH, DILG, DAF, DepED, Bureau of Fire Protection at mga partners mula sa mga humanitarian groups na kumikilos sa rehiyon.

Ayon sa ulat ng NDRRMC-ARMM, umabot sa 27 na bayan ang apektado sa Maguindanao at 268 barangays ang apektado at 699,971 na indibidwal.

Umabot din sa P240,336,898 milyon ang pinsala sa mga gamit sa mga eskwelahan kung saan 137 na mga eskwelahan ang naapektuhan na mayroong 898 na mga guro at 47,167 na mga estudyante.

Dagdag pa ng ulat mayroon tatlong bayan sa lalawigan ang nasunugan ng mga bahay na umabot sa P11.7 milyon ang pinsala habang umabot sa P73.7 milyon naman ang estimated value ng crop damage (palay, mais, prutas, gulay, tobacco at root crops) sa 21 bayan sa lalawigan kung saan umabot sa 9,210 pamilya ang naapektuhan at mayroong 12,815 hectares ng mga sakahan din ang nasira.

Nanawagan si Sinarimbo sa mga taga Mother Kabuntalan na apektado ng baha na pumunta sa mga designated evacuation centers ngayong araw at magdala ng mga water containers para sa malinis na tubig inumin.

Gagawin ngayong ang relief operation sa bayan ng Pagalungan. Tuluy-tuloy sa mga susunod na araw ang relief operation sa ibang bayan na lubog din sa baha. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply