ARMM polls postponement haharangin sa SC

HAHARANGIN ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) ang isinusulong na pagpapaliban sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa paniniwalang ang hakbanging ito ay labag sa Saligang Batas.

Sa press conference nitong Martes ng PDP-Laban, sinabi ni Atty. JV Bautista na nakatakdang maghain ng writ of preliminary injunction, certiorari, grave abuse of discretion and prohibition ang grupo sa Supreme Court.

“We can’t file the petition yet,” ani Bautista. “It can be ruled out by the Supreme Court for premature petitioning since there is not presidential action on the law passed by Congress.”

Hinihintay na lamang umano ng grupo na lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang ARMM bill na pinagtibay ng Kongreso bago magbakasyon noong Hunyo 9, 2011.

Lalamanin ng petisyon ng PDP-Laban ang argumento na hindi maaaring ipagpaliban ang halalan sa ARMM dahil hindi puwedeng amyendahan ang Organic Act ng simple majority lamang ng Kongreso, kundi dapat ay two-thirds vote ng dalawang kapulungan na bomoboto nang hiwalay.

“You have to follow the requirements of the Organic Act to amend the law. You need to have two-thirds vote of Congress voting separately,” giit pa ni Bautista.

Sinabi pa ni Bautista na mali ang argumento ni Sen. Franklin Drilon sa paggamit ng RA 9333 bilang basehan sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM dahil nakatakda sa Organic Act na dapat gawin ang eleksyon sa rehiyon tuwing ikalawang Lunes ng Setyembre.

“Nakatakda sa Organic Act na dapat magkaroon ng halalan sa ARMM sa ikalawang linggo ng Setyembre, hindi Agosto 8 na siyang pinalitan ng Kongreso. Samakatuwid, sa ganitong punto pa lamang, hindi makatatayo ang batas na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Aquino,” paliwanag pa niya.

Iginiit pa ni Bautista na kahit nakatakda sa ikalawang linggo ng Setyembre ang tunay na petsa ng halalan, mayroon pang sapat na panahon ang SC na desisyunan ang kanilang petisyon dahil nakatakdang lagdaan ang batas sa Hunyo 30.

Nitong huling tatlong araw ng sesyon sa Senado, mabilis na pinagtibay sa botong 13-7 pabor sa pagpapaliban ng eleksiyon sa ARMM, na isasabay sa mid-term election sa 2013.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply