Artificial insemination ng baka’t kalabaw isinagawa

INILUNSAD na ng pamahalaan ang malawakang pagbibigay ng ‘artificial insemination’ o ‘di natural na pagpapalahi’ ng baka at kalabaw makaraang isagawa ito ng Provincial Veterinary Office (ProVet) sa mga bayan ng Mauban, Lopez, Tagkawayan at Sampaloc, Lucena, Quezon.

Sinabi ni Dr. Gerald C. Montierro, officer-in-charge ng ProVet office na ang gawaing ito ay naglalayong mapaunlad ang industriya ng paghahayupan sa lalawigan ng Quezon at mapataas ang lahi ng kalabaw at baka dito.

Layunin din nito na paunlarin ang ‘dairy production’ sa lalawigan na matatagpuan sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 903 kalabaw na ‘pure breed murrah buffalo’ at 186 baka na ‘pure breed brahman at holestein’ sa buong lalawigan na inaasahang dadami pa dahil sa malawakang pagpapalahi nito.

Samantala, ang gatas ay ipinagbibili ng mga may-ari ng baka at kalabaw sa Palcon Dairy Cooperative na nagiging karagdagang kita ng mga magsasaka.

Naisagawa na rin ang ‘di natural na pagpapalahi’ o artificial insemination ng baka at kalabaw sa mga bayan ng Guinyangan, Tagkawayan, Lopez, San Antonio, Tiaong, San Francisco, Catanauan, Buenavista, Lucban, Sampaloc, Gumaca, Tayabas, Sariaya at Mulanay.

Ang pagbibigay ng ‘artificial insemination’ ay sinusuportahan ng Philippine Carabao Center (PCC) ng University of the Philippines, Los Banos, Laguna sa tulong din ng Village-Based Artificial Insemination Technician (VBAIT) na nagsanay ng kurso sa PCC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply