Arvindugo nagpasikat sa 3-year-old race

IPINAKITA ni Arvindugo na handa na siyang gumanti kay Triple Crown 1st leg winner Hari Ng Yambo matapos manalo Biyernes ng gabi, Hunyo 3, sa naganap na Three-year-old Conditions B-2-D2 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakapagtala ng impresibong 1:39 na tiyempo si Arvindugo sa distansyang 1,600 meter race upang sungkitin ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Paglabas ng aparato, pinalundag agad ni star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez ang liyamadong si Arvindugo upang ibanderang tapos ito at manalo ng may anim na kabayo ang agwat sa sumegundong si Whistler.

Tumersero si Mr. Universe habang pumang-apat si Olajuwon.

Sa unang leg ng TC na ginanap nakaraang buwan ay tinalo siya ni Hari Ng Yambo ng banderang tapos.

Isa si Arvindugo sa mga top favorites sa nasabing event habang dehado si Hari Ng Yambo na ginabayan ni class B rider Rodeo G. Fernandez.

“Sa ipinakitang takbo ni Arvindugo noong isang gabi ay maaaring makuha niya ang panalo sa second leg kaya sa tingin ko magiging mahirap para sa amin ang pumili.” wika ng isang karerista.

Nakatakdang ilarga ang 2011 PHILRACOM 2nd Leg Triple Crown Stakes race sa Hunyo 11 na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kabilang sa mga lalahok sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo ay sina Tensile Strenght, Constatic, The Rock, Lord Of War, Barkley at Maker’s Mark.

Kasali rin si Magna Carta na tinatayang mahigpit na karibal sa event na nakalaan ang P1.8M sa distansyang 1,750 meter race. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply