Asawa ng mambabatas frustrated na magpapayat

ANO ba naman itong asawa ni senador hindi marunong magpasalamat sa ipinagkaloob sa kanyang pangangatawan ng Poong Maykapal dahil biruin ninyo nais pa niyang magpapayat sa kabila ng kanyang malusog na pangangatawan.

Batay sa napag-alaman ng matang kuwago ng Remate hindi pumayat-payat ang asawa ng senador dahil sa ang takaw takaw daw nitong kumain ng mga matatamis na pagkain lalo na ang mga pastries.

Nabalitaan pa nga ng matang kuwago ng Remate na sa kabila ng sistema at pamamaraan ng diet ng misis na ito ay hindi pa rin ito pumapayat.

Ang nakatatawa kasi mismong ang asawa ng senador ang nagtitimpla at nagbe-baked ng kanyang pastries at matatamis na kinakain.

Sa tuwing nasa bahay lamang ang asawa ng senador ay walang ibang libangan ito kundi ang kanilang kitchen at mag bake ng mag baked ng kung ano-ano, ang iba na nga rito ay itinatapon na lamang ng katulong dahil hindi na makain.

Kakaiba kay misis ni senador kapag gustong gusto niya ang lasa ng kanyang na baked na pastries ay hindi niya ito basta pinamimigay, ipamigay man ay matapos na niyang pag-sawaan.

Isa pa upang maipagmalaki ng asawa ng senador ang kanyang na baked ay ginagawa pa itong pang regalo pero hindi sa mga kapwa senador ng kanyang asawa o sa mga asa-asawa ng mga senador kundi sa kanyang mga amiga lamang.

Milyong piso na ang ginastos ng asawa ng mambabatas para lamang pumayat subalit hindi talaga nagiging epektibo.

Ang asawa ng mambabatas ay talagang mega  sa galing din sa pag-arte at pagkanta.

Siya ay kilala sa lipunan dahil ang pamilya nila ay pawang mga kilala sa showbiz industry lalo na’t ang kanyang pinsan ay magaling sa poll dancing.

Ang kanyang apelyido rin ang naging dahilan upang manalo sa nakalipas na halalan ang kanyang asawang senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply