Australia naglabas din ng travel advisory vs PH

NAGPALABAS ng panibagong travel advisory ang bansang Australia laban sa Pilipinas.

Pinayuhan ng pamahalaan ng Australia ang mga mamamayan nito na huwag munang bumiyahe sa Pilipinas, partikular sa gitna at kanlurang bahagi ng Mindanao.

Katuwiran nito, nananatiling mataas ang banta ng terorismo sa Pilipinas at mataas din anila ang antas ng krimen sa bansa.

Kugnay nito, pinawi naman ng Department Foreign Affairs (DFA) ang agam-agam ng Australia dahil matagal nang nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibleng pag-atake ng teroristang Al Qaeda.

Tiniyak ng AFP at Philippine National Police (PNP) na laging nakahanda ang Pilipinas matapos ang pormal na pagtatalaga kay Ayman Al-Zawahri bilang pinuno ng Al Qaeda matapos mapatay si Osama Bin Laden.

Ayon kay PNP chief Director General Raul Bacalzo, ang buong hanay ng pulisya at militar ay palaging naka-alerto di lamang sa posibleng paghahasik ng karahasan ng mga terorista kundi maging sa iba’t ibang uri ng krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply