Azkals gagawa ng kasaysayan bukas

BUKAS na ang pinakahihintay na pagharap ng Azkals sa Sri Lanka Red Braves para sa unang leg ng kanilang World Cup qualifier.

Kaninang hapon, Martes, Hunyo 28 ay sumabak sa final training ang Azkals habang sobrang kaba umano sila sa nalalapit na laban.

Ayon sa goal keeper na si Neil Etheridge, gagawa sila ng kasaysayan bukas.

Inihayag ng team captain na si Aly Borromeo na aabot sila sa 2014 World Cup sa Brazil.

Ang striker na si Chieffy Caligdong ay excited na makaharap ang Sri Lanka.

Kapag naipanalo ng Azkals ang laban sa Sri Lanka bukas, sila ang kauna-unahang Filipino team ng football na makapasok sa qualifier ng World Cup.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply