Azkals, Sri Lanka tabla, 1-1

BIGO man sa unang goal sa first half ng laro ay bumawi naman ang Philippine Azkals para makatabla kontra Sri Lanka.

Unang nakuha ni Chathura Guneratne ng Sri Lanka ang unang goal sa pamamagitan ng free kick,  41 minuto sa first half ng laban.

Nakabawi ang Azkals sa mintis na pagsipa ni Chieffy Caligdong nang i-follow-up ni Nate Burkey sa ayuda na rin ni Phil Younghusband.

Nakakuha ng 21 foul ang Azkals habang 19 naman ang Sri Lankans.

Magkakaalaman na kung sino ang mas matibay sa sipaan sa Game 2 ng dalawang team sa Linggo, July 3 na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply