Babae sinaksak ng kapwa babae, todas

TODAS ang isang 29-anyos babae matapos saksakin ng kapwa babae nang magkaroon ng mainitang pagtatalo, Miyerkules ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Raquel Dumaguit, walang trabaho, ng Blk. 3, Purok 14, D.H. Tanyag, Taguig, Metro Manila.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Juliet Figuera, 29, ng 1915 Alley 2, Maria Orosa St., Malate, Maynila.

Sa report ni SPO2 Virgo Villareal, may hawak ng kaso, dakong 3:15 a.m. nang maganap ang insidente sa harap ng Heva Money Changer na matatagpuan sa 523 San Andres at Madre Ignacia Sts. sa Malate, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek sa ‘di malamang dahilan hanggang nagpambuno ang dalawa.

Naawat naman ng ilang nakakita sa pangyayari ang away ng dalawa, ngunit may tama na ng saksak ang biktima sa dibdib.

Naitakbo pa sa Ospital ng Maynila si Dumaguit, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Wala namang makapagsabi sa dahilan ng pag-aaway ng dalawa kaya patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Dinala naman sa St. Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply