Babae sinaksak ng kinakasama

PATAY ang isang babae matapos itong saksakin ng kanyang live-in partner Sabado ng madaling araw, Hunyo 4, sa Tondo,Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macareg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima nasi Laurita Luchavez, 47, ng Blk.1 Lot 92 Sitio Damayan, Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ang suspek at live-in partner ng biktima na si Fidel Docil, 51.

Sa report ng pulisya,dakong ala-1:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima at kinakasama nito sa nasabing lugar.

Nauna rito, nagtalo umano ang dalawa hinggil sa mga anak ni Docil sa una nitong naging asawa kung saan hindi umano binibigyan ng atensyon ng biktima ang anak ng huli.

Nagpalitan ng maanghang na salita ang dalawa na nauwi sa matinding pag-aaway hanggang sa nagkasakitan at nasaksak na ng suspek ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply