Babaeng Muslim inutas sa Quiapo

HINIHINALANG droga ang motibo sa pamamaslang sa hindi pa nakikilalang babaeng Muslim sa Quiapo, Manila Linggo ng gabi.

Tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 ang biktima na nakakulay asul na t-shirt; berdeng malong; may  taas na 5’0″ at naka-tsinelas ng puti.

Samantala, isang armado ng kalibre 45 baril na sinasabing isa sa malaking tulak ng droga sa lugar ang umanoy suspek sa pamamaril, at ni isa sa mga residente doon ay takot magbigay ng kahit na anumang impormasyon sa ikalulutas ng kaso.

Batay sa ulat, 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng gusali sa Echague Building sa panulukan ng Muelle de Quinta at Carlos Palanca Sr., St., sa Quiapo.

Nabatid sa report ng pulisya na isang barangay kagawad ng Brgy. 34 Zone 39 ang nag-report sa  pulisya hinggil sa pamamaril.

Gayunman, bukod sa hinalang droga ang dahilan ng pagpatay, binubusisi rin ng mga tauhan ng MPD kung may atraso ang biktima sa suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply