Babaeng negosyante pinagbabaril sa Cavite

AGAW-BUHAY at inoobserbahan pa sa pagamutan ang isang babaeng negosyante matapos na pagbabarilin Biyernes ng ng hapon, Hunyo 24, sa lalawigan ng Cavite.

Batay sa ulat na nakarating sa tangapan ni Region 4A Director Chief Supt. Gil Meneses, kinilala ang biktimang si Rosaline Regorgo, 45, negosyante at residente ng Blk. 9, Lot 13, Mangoville, Barangay Salitran 4, Dasmarinas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek na sakay ng isang single motorcycle.

Tadtad ng tama ng bala ng kalibre .45 ang biktima habang mabilis na tumakas ang salarin tangay ang ginamit na baril sakay ng motorsiklo.

Mabilis na dinala sa pagamutan ang biktima habang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang anim na empty shells ng kalibre .45.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow up ang pulisya hinggil sa nasabing insidente at inaalam kung may kinalaman ito sa kanyang negosyo. Gaynor Bonilla

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply