Babaeng pugot, walang saplot napulot

ISANG babaeng pugot ang ulo at walang saplot na hinihinalang biktima ng pangagaahsa ang nakitang palutang lutang sa isang ilog sa Agno River, Pangasinan sa ulat ng pulisya kanina.

Sa ulat na nakarating sa PNP Command Operation Center, isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan na nakasilid sa isang sako na walang ulo sa Agno river, sa Sitio Bantayan Pangaisan North sa bayan ng Lingayen, nabangit na lalawigan.

Ayon sa Lingayen PNP, nagrereklamo ang mga residente sa lugar sanhi ng napakabahong amoy na umalingasaw sa kanilang barangay nitong nakalipas na dalawang araw.

Hanggang sa napansin ng ilang residente ang palutang-lutang na sako sa ilog at sa hinalang doon nagmumula ang masangsang na amoy ay iniahon nila ito.

Laking gulat na lamang ng mga residente ng nasabing barangay nang tumambad sa kanila ang paa ng tao habang hinahatak ang sako sa pampang.

Ang biktima ay nakasuot ng dilaw na t-shirt na may bandila sa kaliwang bahagi subalit bigong makilala dahil sa wala ngang ulo ang biktima.

Tinatayang may edad 20 hanggang 22 ang babae na pinaniniwalaang pinagsamantalahan muna bago pinatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply