Tsina sa US: ‘Wag makialam sa Spratlys

NAGBABALA ang Tsina sa Estados Unidos dahil sa umano’y tahasang pakikialam ng huli sa isyu ng pinag-aagawang Spratly Islands.

Ang babala ng Tsina ay kasunod ng paghimok ni United States Sen. John McCain sa pamahalaan nito na tulungan ang mga miyembrong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) na may claim o interes sa Spratlys.

Binigyang-diin ni Chinese Vice Foreign Minister Cui Tiankai na makalalala lamang sa sitwasyon ang aniya’y pakikialam ng Amerika sa usapin na hindi naman dapat pakialaman nito.

Mas mabuti aniyang hayaan na lamang ng Amerika o ipaubaya nito sa mga bansang nagki-claim sa Spratlys ang nasabing usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply