Bading nga ba ang papable na si Christian Bautista?

HANGGANG ngayon ay kinukuwestyon pa rin ng kanyang detractors ang gender ni Christian Bautista. Bading daw ang mahusay na singer, na ayon naman dito ay walang katotohanan.

“I’m not gay. I love women,” deklara ni Christian

Kung wala mang girlfriend ngayon si Christian yun ay sa dahilang hindi naman daw siya nagmamadali na muling pumasok sa isang relasyon.

Tsuk!

***

MAY bagong game show sa TV5 si Vic Sotto kasama sina Wally Bayola at Jose Manalo, ang “R U Kidding Me? Owws? Hindi Nga?!” na napapanood tuwing Sabado ng gabi bago ang “Talentadong Pinoy” ni Ryan Agoncillo.

Nakatutuwang tagisan ng kaalaman at katatawanan ang masasaksihan dahil lilituhin nang husto nina Wally at Jose ang mga contestant upang umayon ang mga ito sa kanilang sagot. Unti-unting malalagas ang mga contestant sa bawat maling sagot hanggang matapos ang oras at matira ang nanatiling matatag sa laro.

May pagkakataong manalo ng hanggang 100,000 ang matitirang bumoto para sa tamang sagot.

***

SA ISANG interview ni Melissa Ricks ay ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng boyfriend niya for two years na si Jake Ctuenca.

“Siguro when people grow, people change. And maybe we have different sets of priorities. Basta iba.

christian-bautista-june-10And he has problems that he has to fix. I have problems too that I have to fix,” ani Melissa

“I have to grow up as well. Basta there are different things sa aming dalawa. And I’m happy that he made me happy for the past two years, pero hanggang doon na lang muna,” aniya pa.

Wala ba talagang third party involved sa hiwalayan nila?

“Wala talagang third party. So sana,huwag namang intrigahin si Jake nang masama ’cause he didn’t do anything wrong,”

Aminado naman si Melissa na iniyakan niya ang break-up nila ni Jake.

‘It’s normal na iyakan mo talaga yung break-up di ba? Tao rin ako. I’m a teenager, I’m growing up. I’m thankful na pinagdaanan ko ito at may paghuhugutan na ako sa mga eksena ko, di ba? It’s something na helpful din.”

Kahit single na ulit si Melissa ay wala pa rin daw siyang plano na mag-entertain ng manliligaw.

“Hindi ako tumatanggap ng mga manliligaw sa ngayon e. ‘Yung sa nangyari, malaking adjustment siya para sa akin. Pero I guess, it’s better ’cause I get to concentrate on my work at lahat ng free time na maibibigay ko sa friends ko and  sa family ko, maibibigay ko na. More on sa akin,” sey pa niya.

***

NAGKAROON ng instant reunion nu’ng Martes sa mini-presscon ang dating matinee idol na si Michael Sandico. After ng tsikahan ay dumating na ang mga kasamahan niya sa “Apat Na Sikat” gaya nina  Lala Aunor, Nancy Delos Santos, Jingle at ang kapatid niyang si Trophy.  Pinakahuling dumating si Adrian Panganiban.

Suporta at pagwe-welcome na rin sa pagbabalik-showbiz ni Michael. Sa panahon kasi ng Apat Na Sikat, sumikat si Michael along with his other brothers na gaya niya ay gumawa rin ng pangalan sa showbiz.

Michael lived in the US for 26 long years na talaga namang all those years, na-miss niya’ng local showbiz.

“Lalo na nung magkaroon ng TFC, naiinggit talaga ako, noon pa man, gusto ko nang umuwi para magbalik sa showbiz,” sabi pa nito.

Michael was one the the good actors of his generation. Kabilang siya talaga sa mga pelikulang pinagpistahan ng mga kritiko. Naging bahagi ng kanyang career ang Agrix Films na noon ay sobrang aktibo sa paggawa ng pelikula.

Michael was in “Alkitrang Dugo” with Eddie Villamayor at iba pang youngstars sa kanilang panahon.

Nasali rin siya sa critically acclaimed- “High School Circa ’65” na unang directorial job ng ngayon ay pamosong direktor na si Maryo delos Reyes.  He was one of the major actors in “Gabun” na launching of sort noon ni Lloyd Samartino. Sa naturang pelikula, Michael showed off his thespian ability.

Pero dumating ang puntong kailangan niyang umalis sa showbiz.  For greener pastures ‘ika nga. He and the rest of the family migrated to US at doon na nga siya nagkapamilya.

Kasama sa filmography ni Michael, bukod sa mga binanggit na namin, ang maraming matitinong pelikula gaya ng “Abel at Cain,” “Minsa’y Isang Gamu-Gamo,” “Moral” at sa TV naman, ay sa “Flor De Luna.”

In 1982, after six years, tumigil nga siya pero muling nagbalik in 2010 at nasali siya sa “Gumapang Ka Sa Lusak.”

Nagkita raw kasi sila ni Direk Maryo Delos Reyes sa burol ng nanay ni Roderick Paulate at doon nga nabuo ang plano niyang pagbabalik.

Sa ngayon, ready na raw siya to launch another career at nakahanda na siyang tumanggap ng mga character roles.

May K namang bumalik ang gaya ni Michael na tunay na artista sa salita’t kahulugan nito lalo’t nandiyan sina Direk Maryo at ‘Nay Cristy Fermin na sumusuporta sa kanyang career.

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply