Bading si Kean, macho si Xian?

NAKABIBILIB si Empress sa pagpupundar ng mahahalagang investment. May bago siyang vehicle to use for her taping needs. She values it well kasi pinaghirapan daw niyang pag-ipunan para makabili ng magarang sasakyan.

Taklesa naman si Vice Ganda when he chose to ignore Ronnie Ricketts and Monsour del Rosario na siyang paboritong makasama ni Boom Boom Bautista kung gagawa man siya ng film project. Mag-ingat siya at tatanda rin siya, malalaos pa pero dapat huwag manlalait ng kapwa artista just because he’s hot property as of the moment.

Nakakatawa naman ang singer na si Kean Cipriano nang matakot siya sa kalapati sa show ng “Gandang Gabi Vice.” Para siyang bading na tumatakbo at talaga namang bumigay ang kanyang porma. Si Xian Lim ang true macho dahil maski super afraid sa ipis ay lalaking-lalaki pa rin ang galaw.

***

MAS bagay talaga sina Billy Crawford and Nikki Gil to host “Pilipinas Got Talent” during the first night of the grand finals. Mas normal ang dating. Parehong magaling at kayang magbatuhan ng spiels. Ang ganda-ganda pa ni Nikki and super smart. Luis should just find another female co-host para siguro may variation naman at matapos na ang bading issue na ganyan.

***

REMEMBER singer Lirio Vital Chyrell? As a licensed realtor, she needed to take mandatory MCE continuing education every two years in order for her to renew her license. “Salamat naman sa Panginoon! I survived the long hours of classroom lectures. On the last day, I was there 30 minutes early, so I could read the textbook about Trec’s (Texas Real Estate Commisions) mandatory classes on Legal and Ethics,” sabi pa niya.

***

Showbiz playboys

SINO ang very much married actor na pag nasa USA ay wala pa ring katitigil sa paghahanap ng batang ka-partner? Na-meet niya sa isang cast party ang tall, sexy and exotic model-singer who’s only 16 years old at the time. Walang alam ang actor kesehodang parang anak na rin niya ito dahil sa malaking pagitan ng kanilang edad. Panay ang text nito at tawag na ikinatakot ng young talent. Naka-saved ang text messages para may proof sila at hindi sabihing gusto lang ng publicity sa Manila o nag-iilusyon lamang.

Sino naman ang aging singer na super likot pa rin sa young women? Sa isang US tour, walang tigil sa pagiging ma-el ang singer. Panay ang chancing sa dalagita. Panay akbay at pisil sa baywang ng mga young blood doon. Naloka ang ibang nakaalam na manyakis pala ang kanilang idol.

Meanwhile, iba naman ang drama ng isang young male singer abroad. He plays with boys! May booker siya who provides him some males to keep him company. Gulat nga ang iba to know that’s he‘s really gay. Publicity lang pala ang mga babaing nali-link sa kanya.

***

Fashion show and more

PHOTOGRAPHER Vic Fabe is holding an Open Fashion Show Registration for August 2011 for any aspiring model who wants to join the FABE Fashion Show, 2nd series of fashion show for this year 2011.

Sino ang magaling na subject niya and dream to photograph? “Si Jose Sarasola yung isa. Emotero and perfect for photos. Tapos ang dream subject ko is Matteo Guidicelli. Malaki ang potential niya and he is patok for all classes. Pang masa at pang mayaman din,” he reveals. His full folio is at http://www.vicfabe.com/The fashion show aims to provide aspiring models an avenue to show their skills in ramp and catwalk.

Vic Fabe has his own photo studio located at 288 Tomas Morato, Quezon City. Please text him at 0916.654.5707 for more details.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply