Bagets patay sa boga

KINITIL ng isang tama ng bala ang buhay ng isang 16-anyos na binatilyo nang barilin ito ng ‘di nakilalang lalaki matapos bumili ng midnight snack sa tindahan Biyernes ng madaling araw, Hunyo 17, sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib ang biktimang si John Christopher Abinoja.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.

Sa report ni PO2 Jason Ibasco, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa lugar.

Nauna rito, bumili umano ng sitsirya ang biktima sa kalapit na sari-sari store na pag-aari ni Remigio Bilan.

Matapos makabili ay naglakad na pauwi ang biktima ngunit bumalik ito sa nasabing tindahan at sinabi kay Bilan na binaril siya sa dibdib.

Nang tanungin ni Bilan kung sino ang bumaril sa kanya ay bigla na lamang itong bumagsak sa semento.

Naisugod pa sa nasabing pagamutan si Abinoja ng kanyang stepfather na si Harry Villaroman at barangay tanod Carlo Manalang subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply