Bagitong jailguards palit sa QCJA officials

BAGITONG jailguards ang ipapalit sa sinibak na dating nagbabantay sa Pamilya Ampatuan sa Quezon City Jail Annex sa Taguig City.

Ayon kay S/Insp. Neva Salle, Hepe ng Community Relations Service ng National Capital Region Bureau of Jail and Management (NCR-BJMP), mas makakabuti sa ahensya ang pagtatalaga ng mga bagong graduate.

Paliwanag ng hepe, idealistic pa ang isipan ng mga bagito at malayo pang ma-corrupt ang isipan ng mga ito habang nagsisilbi sa gobyerno.

Tiniyak naman ni Salle na hindi naapektuhan ang seguridad sa kulungan matapos sabay-sabay na nag-alisan sa pwesto ang dating warden na si Glendford Valdepenas at ang 50 iba pang personnel, custodial at escort duties sa naturang piitan.

Matatandaang sinibak ang 50 personnel nang madiskubre na maluwag ang ipinatutupad na seguridad kay Andal Ampatuan Sr. na pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply