Bagong CICT commissioner pinangalanan na

ISANG taon matapos ang pagkakaluklok kay Pres. Noynoy Aquino sa posisyon, kanya na ring pinangalanan ang bagong commissioner ng Commission on Information and Communications Technology (CICT) na direktang magtatrabaho sa nasabing ahensiya sa ilalim ni Ivan John Uy.

Ayon sa Top CICT executives, nilagdaan na ng Malakanyang ang appointment papers ni Oliver V. Chato, anak ni Camarines Norte representative Liwayway Vinzons-Chato.

Ang matandang Chato ay dating commissioner ng Bureau of Internal Revenue sa ilalim ng Ramos administration at miyembro ng Liberal Party.

Habang ang batang Chato ang pinakaunang CICT commissioner na in-appoint ni Aquino.

Lumalabas na inabot ng halos isang taon si PNoy para gawin ang appointment ni Chato matapos unang ipuwesto si Uy bilang CICT noong July 2010.

Si Chato na sinasabing mahusay sa open source software development ay papalitan si retired commissioner Consuelo S. Perez bilang pinuno ng human capital development group ng CICT.

Sa ilalim ng Executive Order No. 269 na inilabas ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang CICT chair ay aasistehan ng apat pang commissioner.

Si Chato ang ikatlo sa in-appoint na CICT commissioners, kung saan ang naunang dalawa na sina Monchito Ibrahim at Francisco “Frank” Perez II ay appointees ng Arroyo administration.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply