Bagong import ng Derby Ace dumating na

NASA bansa na ang pointguard ng B-Meg Derby Ace Llamados na si Stephon Hannah kasunod ng pag-uwi ni Courtney Beasley para lumahok sa PBA Governor’s Cup na nakatakdang magsimula sa Hunyo 11.

Ang 6’1 na si Hannah ay produkto ng University of Missouri na tangan ang average ang 15.5 points, 4.9 rebounds at 3.4 assits sa paglalaro niya sa National Basketball Association Developmental League.

Nakapaglaro rin si Hannah sa junior basketball team ng Hyde Park High School at sa Chipola Community College na kung saan tumanggap siya ng parangal bilang second team junior college all American na nagresulta ng pag-aagawan ng mga college team na makuha ang paglalaro niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply