Bagong police station itinayo sa CDO

NADAGDAGAN ngayon ng isang bagong police station ang Philippine National Police sa Cagayan De Oro City ng pasinayaan mismo ni PNP Chief D/Gen. Raul Bacalzo ang groundbreaking ceremony sa bagong headquarters ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa Barangay 40 sa nasabing lungsod.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. na layunin nito na mabigyan ng makabagong tanggapan ang COCPO na ilalagay sa mismong sentro ng lungsod.

Inihayag naman ni Bacalzo, sa mga mamayan ng Cagayan na malaking utang na loob ito ng PNP sa mga lokal na opisyal sa lungsod na pinangunahan ang proyekto na  pagtatayo ng nasabing COCPO headquarters.

Kaugnay nito, nangako ang heneral na kanilang bibigyan ng karagdagang baril ang mga pulis.

Una rito, dinaluhan din ni Bacalzo ang isinagawang pagbibigay ng award sa mga outstanding personnel ng PNP-10 at ang paglalagay ng marker sa PRO-10 Marine Protected and Reservation Area sa bayan ng Jasaan Misamis Oriental ng dalawin nito ang dalawang lalawigan ng Misamis. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply