Bagong sama ng panahon namataan ng Pagasa

ISA na namang sama ng panahon ang namataan ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa hilagang bahagi ng bansa.

Maliban kay bagyong Egay, binabantayan din ng Pagasa ang “newly-developed weather system” na inaasahang magdudulot ng pag-ulan sa susunod na mga araw.

Ayon sa Pagasa, kung ganap na magigining bagyo ang nasabing sama ng panahon ay tatawagin itong “Falcon.” Kung hindi magbabago ang pagkilos nito ay mararamdaman ang epekto nito sa Martes.

Samantala, hindi pa nagla-landfall ag bagyong Egay gaya ng unang naiulat. Ito ay huling namataan sa layong 170 kilometro, silangan-hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 17 kilomtreo kada oras

Nasa storm Signal No. 1 pa rin ang Aurora, Abra, Apayao, Babuyan Group of Islands,  Batanes Group of Islands, Cagayan, Calayan, Ifugao, Mt. Province, Nueva Vizcaya, Isabela, Ilocos Norte, Kalinga at Quirino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply