Bagong sama ng panahon namataan- Pagasa

TULUYAN mang nakalabas ng bansa ang bagyong “Dodong” ay may namataan naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagong low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ang sentro ng bagong sama ng panahon ay namataan sa layong 800 kilometer sa silangan ng katimugang Mindanao.

Malaki umano ang tyansang lumakas pa ang naturang sama ng panahon at maging ikalimang bagyo ngayong taon dahil nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Tatawagin itong “Egay” kapag naging ganap na bagyo.

Nagbabala din ang Pagasa sa mga serye ng pag-ulan sa Mindanao na maaaring maranasan pa sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

Mahina man ang nasabing LPA sa ngayon ay binabantayan na ito ng ahensya. Anila, hindi sila papakampante dahil nagsimula ring mahina ang bagyong Dodong sa umpisa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply