Bagsak na ekonomiya ibinabala ng oposisyon

NAGBABALA ang oposisyon na lalala pa ang sitwasyon ng bansa kapag nanatiling walang direksyon ang administrasyong Aquino sa pabagsak ng ekonomiya, paglobo ng bilang ng walang trabaho at nagugutom at pagtindi ng kawalan ng peace and order sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa press conference ng minorya, sinabi ni Minority Leader Edcel lagman na “the people should be prepared to expect the worst because their mistaken choice is the big problem. Blunder begets disaster.”

Kasabay nito ay tinutulan ng oposisyon ang pagbibigay ng grado sa isang taong performance ni Pangulong Aquino sa pagsasabing “let the President grade himself. No amount of failing marks would convince the president to abandon his offensive agenda of vindictiveness.”

Binigyang diin naman ni Deputy Minority Leader Danilo Suarez na tila hindi tumutugma sa takbo ng gobyerno ang mga naunang binitiwang salita ni PNoy na “kung walang kurap walang mahirap” dahil kung susundan aniya ang mga pahayag na ito ng pangulo sa patuloy na pagtaas ng porsiyento ng mga naghihirap at nagugutom na Pilipino.

“Kung susundan lang ang mga sinabi ni PNoy ay ibig sabihin mas maraming kurap ngayon dahil mas marami ang mahirap,” ani Suarez.

Inihalintulad naman ni Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay si PNoy sa kanyang yumao at dating Pangulong Corazon Aquino na “he (PNoy) is like his mom that he doesn’t accept unsolicited advise.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply