Bagyong Falcon mananalasa sa China, Taiwan

HINDI pa man naka-aahon sa malalakas na buhos ng ulan na ikinamatay ng walong katao sa Baeijing China, itinaas na naman ang storm warning sa Eastern at Southern Taiwan bunsod ng pag-atake ng bagyong Falcon (international codename Meari) na nakaambang manalasa.

Pinaghahanda ang mga mamamayan sa Taiwan sa matinding ulan na idudulot ng bagyo lalo’t tinatayang lalakas pa ito habang dumadaan sa South China Sea.

Maging ang China ay naghahanda na rin sa hagupit ng bagyong Falcon makaraang makaranas ng matitinding hagupit ng malalakas na ulat at pagtaas ng tubig baha sa kanilang lugar.

Nakataas ang storm warning sa Shanghai at apat pang lalawigan na kinabibilangan ng Jiangsu, Zhejiang, Fujian at Shandong.

Inatasan ng Civil Affairs Ministry ang naturang mga lugar na masusing imonitor ang bagyo.

Binuksan na rin ng China ang mga storage depots nito para maghanda sa relief operation.

Inaasahan ng China at Taiwan ang baha na idudulot ng bagyong Falcon gaya ng nangyari nang manalasa ito sa Pilipinas.

Matatandan na dahil sa walang humpay na pananalasa ng malakas na ulan, walo katao ang iniulat na namatay, ilan sa kabahayan ang winasak at bumara sa kalsada, sa Beijing China.

Nitong nakaraang buwan ay naiulat ng awtoridad na libu-libong residente ang napilitang lumikas ng kanilang tahanan nang dahil sa pagtaas ng tubig baha na nag-iwan ng 170 katao na iniulat na namatay kabilang na ang mga nawawala.

Batay sa pinakahuling ulat, dalawang katao ang namatay sa Southern province ng Guizhou nang tamaan ng kidlat, habang dalawa naman ang namatay nang anurin ng tubing baha at apat din ang namatay nang malunod sa baha.

Batay sa pahayag ng Ministry of Civil Affairs, ang patuloy na pag-ulan at pagbaha ay nag-iwan ng 25-kataong namatay, 25 ang nawawala  at 671,200 ang napilitang lumikas sa kani-kanilang bahay.

Mula pa noong nakaraang linggo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa naturang lugar.

Bukod dito, iniulat pa ng awtoridad na ang daanan ng tren ay natabunan ng malalaking puno dahil sa landslides sa southwestern ng China at na-stranded ang halos 5,000 pasahero sa apat na istasyon ng tren.

Batay pa sa report, tinatayang  1,200 manggagawa ang patuloy na nagsasagawa ng clearing operation sa bahagi ng Chengdu-Kunming railwayline, na nag-uugnay sa kabisera ng Sichuan at Yunnan province. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply