Bagyong Falcon palabas na ng bansa

PATULOY nang kumikilos ang bagyong Falcon sa direksyon ng Hilaga Hilagang Kanluran ng bansa palabas ng Philippine area iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, sa Linggo ay inaasahang nasa labas na ng bansa ang bagyong Falcon.

Sinabi ni Boy Soriaga weather observer ng PAGASA, patuloy pa ring nakataas ang babala ng signal number 1 sa Calayan at Babuyan Group of Island at Batanes Group of Island.

Nabatid kay Soriaga si Falcon ay namataan dakong 10:00 ng umaga kanina sa layong 330 kilometro ng Silangan ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA ang bagyong Falcon ay may lakas ng hangin na 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito  at may lakas ng hangin na 100 kilometro bawat oras.

Kumikilos si Falcon sa direksyon na Hilaga Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Ang tropical storm Falcon ay inaasahang nasa 500 kilometro ng Hilaga Hilaga Silangan ng Basco, Batanes umaga ng Sabado sa 370 kilometro ng Kanluran Hilaga Kanluran sa Okinawa, Jaspan.

Pinaalalahanan din ng PAGASA ang mga residente na naninirahan sa mga mababang lugar na nasa ilalim ng signal number 1 sa posibleng flashfloods at landslides.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply