Bahay-aliwan sa Pasay wawalisin ni Cuaton

NABIBILANG na ang araw ng mga bahay aliwan at casa sa lungsod ng Pasay na nagpapababa sa moralidad ng mga mamamayan ng nasabing lungsod.

Ito ang mariing tinuran ng hepe ng Pasay Police na si PSSupt. Napoleon L. Cuaton sa isang panayam kung ano ang kanyang mga balakin o mga plano sa ilalim ng bagong alkalde ng lungsod na si Mayor Antonio Calixto.

Lilinisin umano ni Cuaton ang mga nitespots sa Roxas Blvd. at Harrison St. kung saan matatagpuan ang mga bahay-aliwan na nagpapalabas ng mga malalaswang mananayaw o nakahubad.

Nabanggit din ni Cuaton ang kahabaan ng EDSA sa tapat ng heritage hotel kung saan nabalitang pugad ng prostitusyon. Ganuon din ang Pasay Rotonda na talamak ang alukan ng mga panandaliang-aliw sa mga beerhouses.

Tututukan din ni Cuaton ang mga casa o mga pugad ng mga babaeng nagbibigay ng aliw sa mga dayuhan  o excusibong para lamang sa mga hapon ,tulad ng isang karaoke bar umano subalit wala namang parokyano, kungdi pamilihan lamang ng mga babaeng isasama sa hotel ng mga hapong turista ,na ayon sa isang intel ay matatagpuan ang pugad sa panulukan ng leveriza at Menlo St. sa lungsod din ng Pasay at ilang metro lamang ang layo sa Arellano University, isang kilalang eskwela ng mga high school at may College of Law at isa pang bagong eskwelahan halos sa tagiliran lamang ang Wesleyan College.

Ayon kay Cuaton, ang mga nabanggit na establisimyento ay naroroon na bago pa man siya naupo sa Pasay bilang hepe at posibleng hawak ang mga ito ng matataas na opisyal ng lungsod o pulisya noon pa man.

Ganunpaman, gagawin umano ni Cuaton  ang lahat sa kanyang kapangyarihan para mapawi ang taguri sa Pasay na “sin city.” Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply