Bahay ng anak sinunog ng naburyong na tatay

KULONG ang isang ama matapos maburyong at sunugin ang bahay ng sariling anak sa Barangay Manayon, Bangui, Ilocos Norte.

Walang inirekomendang piyansa ang piskalya laban kay Armando Alvarez, 67, matapos sunugin ang bahay ng anak na si Albert Alvarez.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umaabot sa P200,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Niliwanag ng piskalya na walang irerekomendang piyansa sa akusado kapag mahigit sa P32,00 ang halaga ng mga ari-arian na nasunog.

Ang matandang Alvarez ay sinampahan ng kasong arson matapos ang isinagawang inquest proceedings sa piskalya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply