Bahay ng mayor ng Isabela niratrat

NAKALIGTAS ang mayor ng Isabela makaraang paulanan ng bala ang bahay nito kaninang madaling-araw, Hunyo 28.

Naganap ang insidente bandang 2:20 ng madaling araw kung saan umaabot sa 11 bala ng M-16 armalite rifle ang na-recover ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na tumugon matapos ang pamamaril sa bahay ni Mayor Pedro Flores ng Mallig, Isabela.

Nabatid na pinaputukan mismo ang tapat ng kuwarto ng mayor na nasa 2nd floor ng bahayat agad na tumakas ang hindi natukoy na suspek matapos ang pamamaril.

Ayon kay Mayor Flores, apat na bala ang nakuha sa kuwarto nilang mag-asawa.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pinaulanan ng bala ang bahay ni Mayor Flores na ang una ay naganap bago ang halalan noong May 2010.

Hindi pa mabatid ng mayor ang motibo sa pamamaril sa kanyang bahay dahil wala naman siyang alam na kaaway.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply