Bahay ng misis, mistress ng solon magkatabi lang

ANO ba itong nabalitaan ng ating matang Kuwago sa Remate na magkatabi lang daw sa isang eksklusibong subdivision sa isang mayamang Lungsod ang bahay ng tunay na asawa ng isang mambabatas at ang mistress este ang staff nito.

Batay sa napag-alaman ni matang Kuwago, pader lamang ang pagitan ng dalawa lalo na’t isang bloke ng village ang kinalalagyan nila.

Sabi nga ng source ni matang Kuwago, kapag nabubuwisit itong mambabatas sa kanyang tunay na asawa ay kay mistress este sa staff niya ito umuuwi.

Kaya naman super supportive ang ginagawa ni mistress este staff sa mambabatas.

Lahat umano ng gusto nito at mga pangangailangan ay ibinibigay nito.

Take note: Ang official member pa rin ng Senate spouses ay ang tunay na asawa ni senador at hindi ang staff ha.

Hindi tuloy maialis sa isipan ng ilang mga nakaalam at nakasaksi sa village kung anong relasyon mayroon ang mambabatas at ang staff nito dahil sa super close talaga ang dalawang ito.

Ang naturang staff ay lubhang makapangyarihan at kinatatakutan din ng ilang kasamahang staff ng mambabatas at maging ng ilang mambabatas na kaibigan ng kanyang amo dahil para siyang first lady.

Alam ninyo bang gusto ng Remate na maging happy kayo kaya gumagawa kami ng blind item, bato-bato sa langit ang tamaan guilty?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply