Balat ng mais gagawing sinulid

UUMPISAHAN na ng local na gobyernono ng bayan ng Santa, Ilocos Sur ang paglulunsad ng one town, one product matapos na madiskubre na maari nang gamiting panahi ang  pinatuyong balat  ng mais.

Sinabi ni Mayor JJ Bueno na base sa kanilang pag-aaral ay dekalidad na panahi o sinulid ang pinatuyong balat ng mais kung saan posibleng ito rin ang maging paraan upang umunlad ang ekonomiya sa nasabing bayan.

Ilang Local Government Units (LGUs) na rin ang nagsimula nang naglunsad ng negosyo kaugnay sa pananahi.

Ayon pa sa aklakde, ang nasabing proyekto ay naisagawa sa tulong na rin ng technical education skills development na siyang tumutulong na magsanay sa mga scholars ng bayan ng Santa, Ilocos Sur.

Ang mais ang isa sa mga pangunahing root crops na itinatanim ng mga magsasaka sa probinsya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply