Bangayan ng PABA at POC umiinit

TULUYANG isinuka ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kasalukuyang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) pamumuno ni Hector Navasero.

Subalit pinagdududahan ng mga kritiko ang hakbang na ito ni POC president Jose “Peping” Cojuangco Jr.

Nilinaw naman ng kampo ni Cojuangco na kung may magaganap na baseball summit na kabibilangan ng mga stakeholders ay tatanggapin niya ang liderato nito.

Diin ni Cojuangco, ang baseball summit na ipinangako ni Navasero ay hindi naman naganap ngayong buwan.

“Until there’s a summit, there is no baseball association as far as the POC is concerned,” diin ni Cojuangco.

Nangako naman si Navasero na magaganap ang summit na ito bago ang 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia.

Wala naman siyang ibinigay na eksaktong petsa sa sinasabing summit na inaasahan na rin ng mga atleta.

“The baseball summit which will gather all the baseball stakeholders will be held soon. We will follow the directive of the POC,” pahayag naman ni Navasero.

Ayon sa POC, mananatiling nakalutang ang posisyon ni Navasero habang wala pang naisasagawang summit.

Binigyang diin ni Cojuangco na dapat irebisa ang PABA by-laws dahil ang ilang baseball stakeholders ay hindi na kasapi ng naturang NSA.

Ang ilan umano sa mga ito ay mula sa Private Schools Athletic Association (PRISAA).

Matapos manalo ng SEA Games gold noong 2005, umaasa ang bansa ng baseball gold na hindi nito nakuha sa 2007 SEA Games at nakuha ng host Thailand.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply