Banggaan ng mga Bigats sa PBA D-League

ANG mga bigating team ng final four ng PBA Developmental League Foundation Cup ay maglalaro ng knockout games  bukas, Hunyo 9, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang paboritong Cebuana Lhuillier Gems at ang sorpresang semifinalist na PC Guilmore ay maghaharap sa unang set ng laro alas-dos ng hapon na susundan ng bakbakan ng NLEX Road Warriors at Max! Bond Super Glue Sumos.

Tinalo ng Max! Bond ang Black Water Elite, 74-71, samantalang sinagasaan naman ng NLEX Road Warriors ang FCA Cultivators ni Coach Arsenio Dysangco, 100-71.

Inaasahan na magiging mahigpitan ang laro ng Road Warriors at ng Max! Bond Sumos na kapwa tangan ang mahuhusay na player mula sa collegiate team at mauutak na bench tacticians na sina Pido Jarencio ng Sumos at coach Boyet Fernandez ng NLEX Road Warriors.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply