Banggaan ng mga ‘kulelat’

MAGSASALPUKAN ang apat na koponan na nasa ilalim ng 9-team standings ng PBA Governor’s Cup Miyerkules ng hapon, Hunyo 22, sa Araneta Coliseum.

Mahalaga sa B-Meg Derby Ace, 1-1, Alaska Milk Aces, Air21 Express at Powerade Tigers na pawang tangan ang 0-2 slate na makuha ang panalo habang papalapit ang pagtatapos ng 1-round elimination format na kung saan anim na koponan ang papasok sa quarterfinals habang malalaglag ang tatlo.

Kasalukuyang tangan ng Talk N’ Text at ng Meralco Bolts ang ibabaw ng standings sa tangan nilang dalawang panalo kontra walang talo na sinusundan ng Petron Blaze Booster at Rain Or Shine Elasto Paintera na may dalawang panalo at isang talo habang ang crowd favorite na Ginebra Gin Kings ay may isang panalo at isang talo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply