Bangka lumubog sa Manila bay, 3 mangingisda nailigtas

NAILIGTAS na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda matapos lumubog ang kanilang sinasakyang Bangka sa Manila bay.

Hindi pa makausap at makunan ng mga pangalan ang tatlong mangingisda dahil nanghihina pa ang mga ito sa sobrang lamig sanhi ng pagkakababad sa tubig.

Kasalukuyan namang nasa tanggapan ng PCG-Manila ang tatlo na napag-alamang pawang mga taga-Cavite City.

Ayon sa nakarating na ulat sa PCG, dakong 8:00 ng umaga ng Biyernes nang lumubog ang bangka na sinasakyan ng mga biktima dahil na rin sa lakas ng hampas ng alon dulot ng bagyong Falcon.

Abala umano ang tatlo sa panghuhuli ng alimasag at alimango nang lumubog ang kanilang bangka.

Nasagip ang tatlo ala una ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply