Bangkang papel students sinalo ng DSWD

MAKAKATAPOS na rin ng pag-aaral ang tinaguriang “Bangkang Papel Boys” matapos tiyakin ng Malakanyang ang full scholarship sa kanilang pag-aaral.

Tiniyak ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na nag-commit na si Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman na gawing full scholars sina Erwin Dolera, Jayson Vann Banogon at Jomer Pabalan, ang tatlong batang binanggit noong 2001 State of the Nation Address (SONA) ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“While the former President informed the bangkang papel boys that their full scholarship was to be terminated in 2010 and they instead be recommended for the  ‘Study Now, Pay Later’ program of CHED, DSWD Secretary Dinky Soliman has committed to continue the full scholarship of the ‘bangkang papel boys,'” ang pahayag ni Atty. Lacierda.

Nauna nang sinabi ni  deputy presidential spokesperson Abigail Valte  hanggang study now, pay later lamang ang maaari nilang ialok sa mga Bangkang Papel Boys makaraang matapos ang scholarship ng mga ito dahil ang naipangako aniya kasi ni Arroyo  ay 2001 hanggang 2010 lamang ang scholarship na maibibigay sa kanila.

“Klaro po sa kanila, beyond 2010 hindi na po sila mabibigyan ng scholarship dahil magpapalit na nga po ng administrasyon. Ngayon, bago po bumaba si former Pres. GMA, nag-usap po sila nitong mga batang ito. Binisita po siya ng mga Bangkang Papel Boys at sinabi nga po kung ano na po ang mangyayari sa kanila. Ang in-offer po sa kanila is ‘yung study now pay later program which they refused,” anito.

At nang magpalit aniya ng administrasyon ay nanatili namang bukas ang kanilang alok na study now, pay later.

Sa kabilang dako, ibeberipika pang mabuti ng Malakanyang ang situwasyon naman ng 70 iba pang iskolar na nabigyan din ng scholarship sa ilalim ng Arroyo administration.

Binigyang diin ni Usec. Valte na edukasyon ng mga kabataan ang nakasalalay at walang halong politika ang usaping kaya dapat lamang nilang beripikahing mabuti.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply