Bangkay lumutang sa Ilog Pasig

ISANG lalaki ang natagpuang lulutang-lutang sa Ilog Pasig malapit sa area ng  Escolta sa Binondo, Maynila Martes ng umaga, Hunyo 21.

Tinatayang nasa edad na 25 hanggang 30, may taas na 5’2″ hanggang 5’3″ at nakasuot ng pulang t-shirt at short pant ang bangkay.

Sa report ni PO2 Renato Cayabyab ng Manila POlice District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa lugar.

Wala naman umanong nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na pinaniniwalaang nalunod lamang.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay kabilang umano sa mga namamalimos sa paligid ng Escolta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply