Bangkay ng 2 OFW na natusta sa lumiyab na fishing vessel sa Africa naiuwi na

NAIUWI na sa bansa ang bangkay ng dalawang overseas Filipino worker na namatay sa sunog makaraang lumiyab ang sinasakyang fishing vessel sa South Africa.

Nakaburol sa kanilang mga bahay ang labi nina Rodolfo Saludar, 24, binata at Elmer Corpuz, 32, sa Caraniogan, Mallig, Isabela.

Ang dalawa ay kabilang sa siyam Pinoy na sakay ng barko nang sumabog ang engine room ng FV Lai Chung habang naglalayag sa karagatan ng Cape Island sa South Africa.

Batay sa autopsy report, sina Saludar at Corpuz ay nagtamo ng mga malalang sugat sa katawan na umano ay nakaligtas sana kung agad na-rescue.

Naiuwi ang bangkay nina Saludar at Corpuz sa tulong ng Migrant’s Desk ng Social Action Center ng Diocese of Ilagan at provincial government ng Isabela.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply