Bangkay ng lola naagnas sa loob ng tindahan

DAHIL sa masangsang na amoy kaya natunton ang bangkay ng isang lola na halos naaagnas na sa loob ng kanyang tindahan sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Leoncia Manuel, 84, ng Gen. Luna st., nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 8:30 ng umaga nang nakaamoy ng mabaho ang mga kapitbahay ng biktima na naging dahilan upang hanapin ang pinagmuan nito.

Pagtapat sa tindahan ng biktima ay lalong lumakas ang amoy na naging dahilan upang katukin ang biktima.

Nang walang sumasagot ay humingi na ng tulong sa mga barangay tanod ang mga kapitbahay ng lola at nang buksan ang pinto ay tumambad ang bangkay ng biktima.

Nabatid na limang araw na ang nakalilipas nang huling makitang buhay ang biktima at hindi na pinansin ng mga kapitbahay nang hindi magbukas ng tindahan sa pag-aakalang umalis lamang ang matanda.

Wala naman nakitang palantadaan na pinatay ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply