Bara-barang K+12 at magastos na libre

NAKAKAKABA ang programang K+12 ng Department of Education.

Parang tira nang tira at dakdak nang dakdak ang DepEd pero sa huli ay tila ipaaako nito sa iba ang sarili nitong tungkulin.

Nang ilunsad ng DepEd ang K+12, ang sabi, eh, kayang-kayang ipatupad. Ngayon ay lumalabas na nagkukumahog itong ipabalikat sa iba ang mga malalaking gastusin nito.

Halimbawa ang sahod ng guro para sa Kindergarten na programa upang maging pitong taon ang elementarya at hindi na anim na taon lamang.

Anak ng tokwa, P3,000 lang pala ang kayang ibigay ng DepEd sa teacher dito.

Patay-gutom pala ang turing sa mga kagalang-galang na titser.

Kung babae si titser, kulang pa yan sa kanyang tatlong beses isang araw na pagkain at panapal buwan-buwan. Paano ang pamasahe ni Ma’am, ang kanyang sapatos, uniporme, panlaba, pambayad sa kuryente at tubig, pambili ng kortal kung sasakit ang ulo nito sa kasasaway sa mga bata at kung magkakasakit siya sa kaiisip sa pang-aalipin sa kanya mismo ng DepEd?

Ngayon, eh, kakausapin daw nina Bro. Armin Luistro ang mga mayor, kongresman at gobernador kung paano makatutulong ang mga ito. May pondo ba naman ang mga ito?

Ipagpalagay nating 24-26 ang bilang ng barangay ng bawat munisipyo at magbibigay ng P3,000 na counter part sina mayor, napakalaki ang ilalabas na pondo ng mga lokal na pamahalaan para sa dagdag-sahod nina Ma’am.

Tiyak namang hindi basta makakaya ng mga Class C, D at E na munisipyo ang magbigay ng dagdag-sahod.

Eh di mananatili ang mga guro na katumbas ng mga kasambahay ang sahod!  Ang diperensiya lang nila sa mga katulong, eh, Ma’am ang tawag sa kanila. Pero ano yang paggalang na yan kung puro gutom at krisis naman ang  buhay ni Ma’am?

Ewan ko, pero hindi kaya nananaginip ng masama o binabangungot ang mga taga-DepEd?

Isipin pa, ang dami-dami palang problema ang Grade 1 hanggang Grade 6 gayang kakulangan sa mga titser, silid-aralan, aklat at iba pa.

Tapos dinagdagan pa nila ng K+12 na sa totoo lang ay sobrang magastos. May maghahatid sa bata, may uniporme, may pamasahe, may pabaon, may PTA, may field trip at kung ano-ano pa.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply