Barangay chair bugaw ng 15-anyos sa 3 PSG

ISASAILALIM sa masusing interogasyon ang isang barangay chairman na inireklamo ng isang dalagita matapos umano itong hulihin dahil sa paglabag sa ordinansa sa curfiew at ibugaw umano sa tatlong tauhan ng Presidential Security Group (PSG) sa San Miguel, Maynila hatinggabi ng Lunes.

Si Angel Murillo, barangay chairman ng Barangay 637-Zone 65, ng J.P. Laurel St., San Miguel, Maynila, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD)-Children and Women Protection Unit upang sagutin ang paratang ng biktima.

Nakilala lamang ang dalagita sa pangalang “Amor,” 15, ng nasabing lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyon at follow-up operation ng mga tauhan ni Chief Insp. Anita Araullo para sa ikadarakip at pagkakakilanlan ng 3 tauhan ng PSG.

Ayon sa salaysay ng biktima, naglalakad umano siya sa kahabaan ng J.P. Laurel nang sitahin ito ng mga nakatalagang barangay tanod ni Chairman Murillo at dinala siya sa barangay hall.

Habang nasa loob ng barangay hall ang dalagita, nagulat na lamang ito nang dumating ang tatlong tauhan ng PSG.

Isinakay ng tatlo ang bebot sa kulay puting Toyota van at dinala umano ito sa loob ng compound ng Palasyo, kung saan ay hinalay siya ng isa sa mga ito.

Matapos ang ginawang kahalayan sa dalagita, muli itong isinakay sa ibang sasakyan na pag-aari ng isa sa mga tauhan ng PSG at muli siyang ibinalik sa barangay hall.

Napilitan na itong pauwiin ng ilang barangay tanod saka umano ito nagsumbong sa kanyang ninang na siyang nag-ulat sa pulisya.

Sa nasabing tanggapan ng pulisya, sinisisi ng dalagita si Murillo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply