Barangay na prone sa baha pinatututukan

PINATUTUTUKAN na ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro ang mga barangay sa lungsod na laging binabaha sa tuwing magkakaroon ng walang humpay na buhos ng ulan.

Ayon kay Omar Acosta ng public information office ng Muntinlupa City, pinakilos na ng alkalde ang mga tauhan ng kanilang Disaster Coordinating Council upang bantayan ang mga barangay sa Tunasan, Poblacion, Putatan, Buli, Bayanan, Sucat at Alabang na kabilang sa mga binabahang lugar.

Bagama’t maayos na aniya ang sistema ng kanilang drainage dahil sa puspusang paglilinis sa panahon ng tag-iinit, lubhang mababa aniya ang kanilang lungsod kaya’t nagkakaroon pa rin ng pag-apaw ng tubig-baha kapag sobrang lakas ng buhos ng ulan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply